Sa Ilang-ilang Residence Hall ako nakatira. Sa likod nitong dorm na 'to ay ang Pook Dagohoy, parang isang barangay dito sa loob ng UP campus. Hellweek noon dahil finals week na. Nasa study area ako, nag-aaral. At dahil nga barangay ang likod ng dorm ko at simula na ang summer ng mga elementary schools, expected na na may mga batang gala na naman sa mga kalsada at naglalaro ng kahit anong larong maisipan nila. Nainggit ako sa mga batang sumisigaw ng "Game!" o ng "Uy, ang daya!" Ang ingay nila pero yun yung ingay na hindi nakakainis kundi nakakamiss. Charot! Ang dramabells lamang! Haha. Pero seryoso, nung time na yun, nag'message ako sa mga kaibigan ko at sinabi kong after ng finals ay maglaro kami. Binigyan ko pa yun ng theme na "Reliving Childhood" pero hanggang ngayon ay hindi pa rin matuluy-tuloy ang plano kong yun. I was just so thankful na sinubukan kong mag-prerog kay Ma'am J Grecia, ang sobrang cool at nakakatuwa at nakakatawang prof namin sa Philippine Games. Hehe. Every day ay Phil games day! Yey! At dahil diyan, gusto kong parangalan ang mga games na sobrang rock-on!
Woohoo! Kung gusto mo talagang maka'experience ng totoong Philippine game, eto na talaga yun. Pambihira. Sa game na 'to talaga ako pinagpawisan ng bongga at dahil din dito ay halos di ko na maigalaw ang mga legs ko nang sumunod na araw. Pano ba naman kasi, kelangan mo talagang bilisan ang pagtakbo mo dito para hindi ka mahuli ng taya o makulong sa mahabang linya ng mga kalabang magkakahawak-kamay. Pero, super enjoy siya. Ito kasi yung mga tipo ng game na hinahanap-hanap ko (hinahanap-hanap talaga??). Haha. Naaalala ko kasi, mga habulan na type nang game ang nilalaro ko noong bata pa ako kasi mga lalakeng pinsan ko ang kalaro ko noon kaya extreme talaga. Na-excite ako sa game na 'to kasi super tagal ko nang hindi nakakatakbo. Kaya ayun, tinodo ko na ang pagtakbo at paglusot lusot sa mga nag-attempt na ikulong ako. In fairness naman, isa ako sa mga kaunting natira na hindi pa nahuhuli sa grupo namin. Pero nahuli din ako eventually. Sayang lang at hindi ako yung last. Competitive lang ang peg?? Haha. Sa mga taya,
Variation: Mas exciting siguro yun kung naka'blindfold ang mga nasa dulo ng linya tapos makikinig lang sila sa instructions ng teammates nila, pero pwede rin makigulo ang mga pain sa pag'instruct. hehehe
MVP: Si kuyang ilang beses nakalusot sa kalaban. meyo patayo at patusok ang buhok niya.
Award: Most Exhausting Game Award
Award: Most Exhausting Game Award
Ito yung game na hindi man lang ako pinagpawisan. Pa’no ba naman kasi ambibilis ng
mga kagrupo ko o ng kagrupo ng kalaban ko na mahawakan ang talampakan ng
kalaban nila. Ang bilis nila in the sense na nag-iisip pa nga lang ako ng
strategy kung pa’no ko mahahawakan ang talampkan ng kalaban ko eh may
nakapagtaas na ng kamay, meaning, nahawakan na nila ang talampakan ng kalaban
niya. Mapapa-“anyare?” ka nalang sa bilis ng mga pangyayari. Pero may napansin ako sa game na ‘to. Lahat
sa mga naunang makahawak ng talampakan ay mga lalake. Though by group naman ang
game, individual naman ang pagdiskarte. Dito lumitaw ang pagka-cautious ng mga
babae to the point na nag-ala sirena ang ilan para lang hindi maabot ng kalaban
nila ang kanilang mga talampakan. Eh natural, hindi sila makakagalaw sa posisyon
na iyon. Maliit nga ang chance na mahawakan ang talampakan nila, pero maliit
din ang chance na mahawakan nila ang talampakan ng kalaban nila. Kabaliktaran
naman ang mga lalake. Sila yung nagti-take risk talaga kaya sila ang nauunang
makahawak ng talampakan.
Variation: Dapat ay isang
talampakan lang ng target at nakatago sa likod ang isang kamay.
MVP: Si DR. Todo todo kasi siya sa pag-abot sa talampakan ng kalaban niya.
Award: Most Nakaka-bitter Game
Award (Dahil wala ka pang nagagawa, may panalo na)
Kung gusto mo ng
mind-blowing at comedy combo na game, itong ito na talaga yun. Super agility at
presence of mind ang kelangan mo sa game na ‘to dahil sa bilis ng mga
pangyayari. Mabilis ang palitan ng taya
at pain. At syempre, machachallenge naman ang presence of mind mo sa kakatawa
sa mga players na panic mode ang peg pag sa linya na nila pumipila yung pain.
May ilang hindi nila malaman ang gagawin, kung tatakbo na ba sila o hindi
hanggang sa may sumigaw nang “Uy, takbo ka na! Ikaw na pain!” May ilan namang
hindi pa nga nila ma-absorb ang mga pangyayari, nataya na sila. Kawawa talaga.
Haha. Pero eto mas matindi. Siya na nga yung taya, siya pa yung tumatakbo
palayo sa pain. Yung totoo?? Pambihira, may identity crisis na nangyayari sa
game na ‘to. Enweiz, mas mahirap yung wala pang variation dahil una, mas kaunti
ang players so mas malaki ang chance na mataya ka in a shorter period of time.
At pangalawa, bago ang game na ‘to sa amin, so medyo di pa namin lubusang
na-absorb ang mechanics ng game. Haha. Mas madali naman yung may variation na
in the sense na mas madami na yung players so mas maliit na ang chance mo na
mataya. Yun nga lang, mas madami ka nang ginagawa sa variation. Kelangan doble
effort ka sa focus dahil dalawa na ang pain, so dalawa na ang babantayan mo.
Makakatulong dito kung kaya mong paghiwalayin ang galaw ng mga mata mo para sa
isang pain nakatingin yung isa, sa isang pain naman nakatingin yung kabila.
Wooh! Goodluck nalang sa mata mo. Bukod sa agility at presence of mind, samahan
mo na din pala ng panalangin na hindi sa’yo ibigay nang sabay ng dalawang pain
ang mga panyo nila. Mas goodluck sa’yo
pag mangyari man yun. Tapos, may panyo
ka pang kelangan saluhin (or pulutin, kung masyadong excited ang pain na
maipasa sa’yo ang panyo at nag-ala pass-the-ball lang ang peg niya. Kalokaness
lamang). Sa tingin ko, isa lamang ang
tumatakbo sa utak ng mga players sa inner at outer circle sa whole duration ng
game at ito yun. “OMGGGG, wag mong ipapasa sa’ken ang panyo,” tapos biglang
“Waaaah!” sabay takbo para maipasa sa
iba ang panyong ipinasa sa kanya. Hehe.
Variation: Dapet ay mag’wink muna ang pain bago niya
ipasa ang panyo sa taong papasahan niya nito. Sa bagong pain naman at sa taya,
dapat ay tumakbo sila on toes (ballerina lang ang peg).Hehe
MVP: SI Ma'am Joan! Haha.
Award: Most Nakakasabaw Game
Award
Ay naku, ito
talaga ang game na hindi ko malilimutan, hindi dahil sa ito ang pinaka-rock on,
kundi dahil sa ibang dahilan. Enweiz, ieexplain ko muna ang set-up ng game na
ito. May dalawang grupo at bawat grupo ay bumuo ng bilog. May isang player sa
loob ng bilog, siya ang daga, at may isang player din sa labas, siya naman ang
pusa. Ang goal ng pusa ay ma-tag ang daga habang ang bilog naman ay dapat na
mapigilan ang pusa na makalapit sa daga. Bilang mga strategists kami, naisipan
naming mag-alternate ang lalake at babae para equal ang lakas ng bilog. So
pwede, pwede. Kaso may katangkaran ang mga lalakeng nakatabi ko, kaya nung
nagkapit-bisig na kami, yung braso nila ay lumevel sa dibdib ko. Sa isip ko
naman “Teka, medyo nahaharass ata ako nito.” Parang gusto ko nang sumigaw ng
“Kuya, wag po!” Haha. So, ako naman, super nilalayo ko naman ang mga braso nila
sa akin at feeling ko ay naramdaman yun nina kuya. Awkward moment talaga. Pero
keribells pa rin. Despite all the awkwardness, go pa rin sa game. Nakakaloka lamang at side pa
talaga namin ang naisipang tirahin ni kuyang pusa. Nakalusot si kuya (at ang
sakit ng pagkakatama ng ulo niya sa ribs ko). Sayang! Pagkatapos ng game,
na’realize ko na hindi ko binigay ang lahat ko sa round na iyon. Feeling ko
kasi nabawasan ang girl power ko dahil sa na’conscious ako. Then, inisip ko, it
was not a good strategy after all or maybe, I was just in the wrong place, in
between the wrong persons. So ganun pala yun. Dapat ay iniisip mo kung
surrounded ka ba ng mga taong kumportable ka at kung nasa tamang lugar ka ba
dahil kung hindi, posibleng ma-suppress ang potential mo to do good sa isang
bagay. Haaaaayyy.
Variation: Alternate ang bilog. Kasapi ng pusa ang isa habang kasapi naman ng daga ang isa.
MVP: Si kuyang malaki na medyo
mahaba ang hair. Siya yung tumama ang ulo sa ribs ko. Sorry ma’am, di ko alam
mga pangalan ng classmates ko.
Award: Most Nakaka-harass Game Award
Isa
lang ang masasabi ko sa nakaimbento ng game na ‘to. Ang henyo at ang cheesy
nila. Siguro ay nasobrahan sila sa panonood ng mga romance na palabas. Okay. Sa
game naman na ito, may inner at outer circle pa din pero, parang atom lang na
di hamak na mas malaki ang outer circle kesa sa inner circle. Teleserye ang peg ng game na ‘to
dahil ang goal ng inner at outer circles ay pigilan na magkahawak-kamay ang tao
sa loob ng inner circle at ang tao sa labas ng outer circle. Sa laki ba naman
ng difference ng distance ng inner at outer circle, plus the fact na pipigilan
pa namin ang dalawang bida, noong una, inisip ko, Ay, waley ‘to. Sobrang liit ng chance ni kuya na mahawakan ang kamay ni
ate. Bwahahahaha. Loko lang, hindi talaga kasama yung tawa. Hindi naman
talaga ako kontrabida sa totoong buhay. Defensive?? Hehe. Pero, ang galing lang
ng mga bida dahil though hindi sila nagkaka-usap, parang nagkakaintindihan pa
rin sila. Ooooppps, pareho ang tintitibok ng puso! Yiheee! Alam nila ang
gagawin nila para mahawakan nila ang kamay ng isa’t isa. Ang saya ng game na ‘to
dahil parang illustration siya ng real life, specifically sa relationships or
sa mga goals mo sa buhay. In life, may mga gusto kang maabot. Pero, hindi ganun
kadaling abutin ang mga gusto mo. May obstacles na pipigil at pipigil sa’yo. Minsan,
ang mas masakit, one inch nalang
mahahawakan mo na siya, pero hindi mo pa din maabot, siguro dahil sa nakulangan
ka sa effort. Pero, it doesn’t end there. Kung determinado ka talagang maabot
ang isang bagay o ang isang tao, makakagawa at makakagawa ka ng paraan. Basta,
wag ka lang susuko. Dadating ang point na mapapagod din ang obstacles, sana
lang ay hindi ka pa huminto pag dumating ang panahong ‘yon. Ansavehh?? Teleserye
nga. Haha. Eventually, nahawakan naman ni kuya ang kamay ni ate and with all
the sunlight effects pa talaga na tumapat sa kanila. Ang romantic lang talaga
ng dating. Haha.
Variation: Pwedeng lumusot ang lalake sa bilog pero tatlo
na ang layers ng bilog.
MVP: Si ate na mahaba ang hair. Siya
yung muntik nang maiyak at nagpa’excuse sa batobalani na game dahil sa isang
text message na wrong sent lang ata. Haha. Sa kanya tumama yung sunlight habang
inaabot an kamay ni kuya. Para talaga siyan damsel in distress. Haha. Sa lalake
naman ay si kuya sa pangalawang round. Hindi siya katangkaran (sorry ma’am, di
ko talaga matandaan mga pangalan nila T.T ). Super effort kasi talaga siya at kitang-kita
sa facial expression niya na gusto niyang mahawakan si girl. Kulang nalang ay
makipag-rambol siya.Haha
Award: Most NakakaKilig Game
Award




Walang komento:
Mag-post ng isang Komento