Sabado, Mayo 18, 2013

Drawing Near to an End







              Second-half na ng game! (background noise: Yeheeeey!! Plus audience clap) Bilang panimula, mas maganda kung pakikinggan mo muna ang isang theme song ng isang anime na paboritong paborito ko nung ako'y medyo bata pa. hehe. Sa Slamdunk ko din pala nalaman ang mga terminologies na "first-half," "seond-half" at "half-time break!" Awww, nakakamiss ang mga anime na 'to pati yung mga kasabay niya gaya ng Flame of Recca at Ghost Fighter!
             Anyways, matatapos na ang Philippine Games summer class. Sana talaga forever nalang may Phil games. Pero sabi pa nga, everything has an end. Mamimiss ko ang mga rock on na games, ang teamwork (kahit na di ko talaga kilala teammates ko), ang kasabawan ng mga tao, ang pagiging slow sa pag-intindi ng mechanics ng game, ang pagkalabit sa kung sino man ang katabi at pagtanong ng “Na-gets mo kung pa’no laruin yung game?” at “Ano daw sabi ng reporter?” tapos sasagutin ka ng “Di ko din gets eh.” Mamimiss ko ang halakhak ni ateng wagas kung makatawa at kabrutalan ni *toooot* Alams na! shhh. Atin-atin lang ‘to. Baka harassin niya ako pag malaman niya. Haha.  Kung kelan nagiging kaibigan ko na ang mga kalaro ko, saka pa kami maghihiwa-hiwalay. It hurts, you know. Di ko kaya. Charot! O siya, tama na ang kadramahan and let the games begin!






              Sa game na 'to, grinupo ang klase sa apat. Kalaban ng team 1 ang team 2 habang kalaban naman ng team 3 (kami yun) ang team 4. Bawat team ay divided further sa dalawa pang groups na nakabilog at  magkakakapit-bisig. Ang goal ng laro ay paunahang mapaabot sa finish line ang bola ng bawat team sa pamamagitan ng pagpapasa-pasa ng bola gamit ang paa ng mga taong nasa isang grupo papunta sa kabilang grupo na ka-team nila. Hay, ang gulo! Basta, yun na yun. hehe.  Enjoy talaga ang game na 'to dahil una, maluwag ang playing area dahil sa gymn mismo kami naglaro. Yey! At pangalawa, dahil natuwa ako sa teamwork namin. In fairness, palagi kaming nananalo sa kalaban namin. bwahahaha. Ganun pala kasi yun. Mas madali kayong mananalo pag effective ang teamwork ninyo at sadyang magagaling ang nasa team niyo. Di, loko lang. haha. Malaking factor talaga ang effective teamwork. Pero isa ding factor ay ang mabilis na reaction time ng bawat miyembro ng team dahil minsan unpredictable ang direction ng bola. Eto yun, kung slow ka, dapat ay makibagay ka sa galaw ng mga mabibilis. Nakakapit-bisig kasi kayo. Kung, babagal-bagal ka, ikaw ang magiging dahilan para bumagal ang team niyo. Ikaw ang maghi-hinder na manalo kayo. Ang mabagal dapat ang mag-adjust sa mabilis at hindi ang mabilis ang mag-adjust sa mabagal.

Variation: Ball relay. tigtatatlong taong magkakakapit-bisig sa bawat bilog.

MVP: Team 3!

Award: Most Feel-ko-ang-teamwork Game Award




              Okay. So sa game na ito parang nagkaroon ako ng isang vision ng kung anong maaaring maganap sa oras na mawalan ng tubig ang mundo -- kaguluhan, mga taong nagsasakitan, mga taong nagtatransform at wagas kung makapangharass, nag-aaway-away para sa isang balde ng tubig. haha. Ang ultimate goal ng larong 'to ay padamihan ng pang-ice na plastic bags na malagyan ng tubig at kukunin niyo ang tubig niyo sa isang balde na kukuhanan din ng kabilang grupo. So bale, goal ng bawat grupo ay pigilan na makakuha o makapagsalin ng tubig sa plastic bags ang kalaban. Ang bawat grupo ay may tagahawak ng plastic bag, may transporter, defender, at may attacker. Ang mga transporter ang taga-kuha ng tubig para maisalin sa plastic bags at dinidefend sila ng mga defenders (duhhh) habang ang attackers naman ang taga-tabig ng mga plastic cups ng kalaban. Ang hirap ng laro kasi pinapalibutan ng mga tao ang balde at ang wild ng mga kamay ng mga attackers na tipong iaangat mo pa nga lang ang plastic cup mo, may tatabig na agad sa kamay mo. Wala, sayang ang tubig.  Nakakainis. Parang gusto kong manapak ng tao, lalo na yung tumatabig sa plastic cup ko. Pero, bilang sport ako, nagpigil ako. haha. Siguro, kung nangyayari man 'to sa totoong buhay, malamang sa malamang ay ginamit ko na ang aking Chakra o di kaya ay ang aking twelve dragons! Huh, subukan lang nilang lumapit sa'kin. Anyways, ang natutunan ko sa larong to ay dapat talagang pangalagaan natin ang ating mga anyong-tubig dahil pag dumating ang panahong isang balde nalang ang tubig sa mundo, magiging ubusan ng lahi ang peg natin. Naku, wag naman sana.

Variation: Nasa isang bilog ang balde at ang pwede lang makapasok sa bilog ay ang mga transporters habang nakaabang lang ang attackers at defenders sa labas ng bilog.

MVP: DR

Award: Most Brutal Game Award







              Sa larong to ko lang nalaman na pwede ka palang gumulong sa kapwa mo tao. Aaminin ko, sa game lang din na 'to ako unang nagdalawang isip kung sasali ba ako o hindi. Pa'no ba naman kasi, may pasa ako sa tuhod nun at medyo masakit ang bandang kaliwa ng ribs ko dahil sa nahulog ako the day before. Okay, so hindi na sana dapat ako sasali kaso ang lakas din talaga ng trip ng tadhana at kulang ng isa ang team namin 'pag 'di ako sumali. So, ayun, kahit medyo kinakabahan ako, I acccepted the challenge! Kung gugulong ako, pwedeng hindi masyadong matamaan ang tuhod ko pero goodluck sa ribs ko. Kung dadapa naman ako, pa'no kung malakas ang pagkabagsak sa'kin ng taong gugulong? eh di deads ako nito. At hindi lang yun. Lima sila, lima! Kaya pinili kong gumulong nalang. In fairness, ok naman pala. 'Di ko naramdamang sumakit ang ribs ko dahil na din siguro sa adrenaline rush. Wala akong pakialam basta mauna kami sa race. Kaya hala, sige gulong at pagkatapos mong gumulong, kahit medyo hilo ka pa, hila naman sa naunang gumulong sayo na ngayon ay Aladdin naman ang peg. Ayun, pang-last kaming natapos sa race. Ansakit sa heart! Charot! Pero may variation pa naman. Hindi ko lang alam kung ikakatuwa ko ba yun dahil at least may chance ang team ko na manalo o ikaka-iyak ko ba yun dahil kasali na ako sa mga dadapa. At ang masaklap pa dun ay hindi lang kami isang beses dadapa kundi at least twice hanggang sa makaabot kami sa finish line. Nakakatawa dahil everytime na nakadapa na ako isa lang ang lumalabas sa bibig ko omg, omggggg, andyan na siya sabay iyak. Haha. Loko lang. At nakakaloka, pagkatapos ng laro ay ramdam na ramdam ko ang sakit ng mga pasa pasa ko sa katawan. Wooohooo, this is just the best game ever! (sarcastic po ito).

The game caused me pain but then the pain has not equaled the fun that the game gave me.


Variation: Nakadapa lahat. Kung sino ang nasa huli, gugulong siya papuntang unahan. Sunod na gugulong yung pangalawang nasa huli originally, then yung sunod tapos yung sunod hanggang sa makaabot sila sa finish line.

MVP: Ruth. Kudos sa kanya. Siya ang gumulong sa 2nd variation. haha.

Award: Most Nakakahilo Game Award









              Simple lang ang game na ito kung tutuusin. Nasa loob lang kayo ng isang mat na mga 2x2 feet ang laki. Ang goal ng laro ay maihulog mo ang piso na nasa dulo ng daliri ng kalaban mo. So bale, ang labas niyo ay para kayong nagwre-wrestling nang mahinhin dahil ingat na ingat kayo na hindi mahulog ang mga coins niyo. Gustung-gusto mo mang banggain nang bongga ang kalaban mo eh hindi mo magawa-gawa kasi takot ka na baka mahulog din ang coin mo dahil sa force of impact mo sa kalaban mo. Yung coin na nasa daliri mo ang naghi-hinder sa'yo na itulak palabas ng mat ang kalaban mo. Parang sa life. Yung coin yung nagrerepresent sa isang bagay sa buhay mo na pumupigil sa'yo para mailabas mo ang tunay na lakas na meron ka.


Varition: By partner na ang laro pero nakatali ang isang paa ni A kay B.

MVP: Tricia Gumapal

Award: Most No-Sweat Game Award.





               Ito yung game na kung anu-anong kalapastanganan ang pumapasok sa utak ng mga teammates ko. Sa game kasi na 'to, may tigtatatlong sticky notes ang bawat player at ang goal ng bawat team ay makuha ang mga sticky notes na nakadikit sa iba't ibang parte ng katawan ng kalaban nilang team. So, ayun na nga. Habang dinidikit namin ang mga papel sa katawan namin, may isa sa aming sumigaw ng Oy guys, strategize tayo. Idikit natin sa kilikili ang papel para di makuha. Yung iba naman, Oo nga. Ilagay niyo din yung isa sa singit. Tingnan natin kung may kumuha pa niyan. bwahaha. Nakakaloka. Buti nalang talaga at spinecify ng mga reporters na dapat sa tuhod, sa likod, at sa upper chest lang ilagay ang mga sticky notes dahil kung hindi, seseryosohin talaga yun ng mga teammates ko. Okay, nagsimula na ang laro. Hala sige, hablot dito, hablot doon, wapakels kung nasasabunutan na yung iba o kung nahaharass na ang iba basta ang motto ng bawat isa ay "Hahamakin ko ang lahat manalo lamang kami." Haha. Ayun, hindi team namin ang nanalo. Siguro ay gentle kami sa mga kalaban namin at ayaw namin silang masaktan o maharass. Chos!

Variation: Magkakampi na yung dalawang team.

MVP: Juancho

Award: Most Mapanghamak Game Award





Ayan, tapos na ang second-half! At bilang pagtatapos, ito ang isa kong handog para sa aking mga masugid na mambabasa. Sana ay may mga manumbalik na childhood memories at mapasaya kayo ng kantang ito.


Huwebes, Mayo 2, 2013

FEEL da SUMMER, FEEL da FUN, sa Philippine Games lang may Ganyan!

              Sa Ilang-ilang Residence Hall ako nakatira. Sa likod nitong dorm na 'to ay ang Pook Dagohoy, parang isang barangay dito sa loob ng UP campus. Hellweek noon dahil finals week na. Nasa study area ako, nag-aaral. At dahil nga barangay ang likod ng dorm ko at simula na ang summer ng mga elementary schools, expected na na may mga batang gala na naman sa mga kalsada at naglalaro ng kahit anong larong maisipan nila. Nainggit ako sa mga batang sumisigaw ng "Game!" o ng "Uy, ang daya!" Ang ingay nila pero yun yung ingay na hindi nakakainis kundi nakakamiss. Charot! Ang dramabells lamang! Haha. Pero seryoso, nung time na yun, nag'message ako sa mga kaibigan ko at sinabi kong after ng finals ay maglaro kami. Binigyan ko pa yun ng theme na "Reliving Childhood" pero hanggang ngayon ay hindi pa rin matuluy-tuloy ang plano kong yun. I was just so thankful na sinubukan kong mag-prerog kay Ma'am J Grecia, ang sobrang cool at nakakatuwa at nakakatawang prof namin sa Philippine Games. Hehe. Every day ay Phil games day! Yey! At dahil diyan, gusto kong parangalan ang mga games na sobrang rock-on!







              Woohoo! Kung gusto mo talagang maka'experience ng totoong Philippine game, eto na talaga yun. Pambihira. Sa game na 'to talaga ako pinagpawisan ng bongga at dahil din dito ay halos di ko na maigalaw ang mga legs ko nang sumunod na araw. Pano ba naman kasi, kelangan mo talagang bilisan ang pagtakbo mo dito para hindi ka mahuli ng taya o makulong sa mahabang linya ng mga kalabang magkakahawak-kamay. Pero, super enjoy siya. Ito kasi yung mga tipo ng game na hinahanap-hanap ko (hinahanap-hanap talaga??). Haha. Naaalala ko kasi, mga habulan na type nang game ang nilalaro ko noong bata pa ako kasi mga lalakeng pinsan ko ang kalaro ko noon kaya extreme talaga. Na-excite ako sa game na 'to kasi super tagal ko nang hindi nakakatakbo. Kaya ayun, tinodo ko na ang pagtakbo at paglusot lusot sa mga nag-attempt na ikulong ako. In fairness naman, isa ako sa mga kaunting natira na hindi pa nahuhuli sa grupo namin. Pero nahuli din ako eventually. Sayang lang at hindi ako yung last. Competitive lang ang peg?? Haha. Sa mga taya,


Variation: Mas exciting siguro yun kung naka'blindfold ang mga nasa dulo ng linya tapos makikinig lang sila sa instructions ng teammates nila, pero pwede rin makigulo ang mga pain sa pag'instruct. hehehe

MVP: Si kuyang ilang beses nakalusot sa kalaban. meyo patayo at patusok ang buhok niya. 

Award: Most Exhausting Game Award 









              Ito yung game na hindi man lang ako pinagpawisan. Pa’no ba naman kasi ambibilis ng mga kagrupo ko o ng kagrupo ng kalaban ko na mahawakan ang talampakan ng kalaban nila. Ang bilis nila in the sense na nag-iisip pa nga lang ako ng strategy kung pa’no ko mahahawakan ang talampkan ng kalaban ko eh may nakapagtaas na ng kamay, meaning, nahawakan na nila ang talampakan ng kalaban niya. Mapapa-“anyare?” ka nalang sa bilis ng mga pangyayari.  Pero may napansin ako sa game na ‘to. Lahat sa mga naunang makahawak ng talampakan ay mga lalake. Though by group naman ang game, individual naman ang pagdiskarte. Dito lumitaw ang pagka-cautious ng mga babae to the point na nag-ala sirena ang ilan para lang hindi maabot ng kalaban nila ang kanilang mga talampakan. Eh natural, hindi sila makakagalaw sa posisyon na iyon. Maliit nga ang chance na mahawakan ang talampakan nila, pero maliit din ang chance na mahawakan nila ang talampakan ng kalaban nila. Kabaliktaran naman ang mga lalake. Sila yung nagti-take risk talaga kaya sila ang nauunang makahawak ng talampakan.

Variation: Dapat ay isang talampakan lang ng target at nakatago sa likod ang isang kamay.

MVP: Si DR. Todo todo kasi siya sa pag-abot sa talampakan ng kalaban niya.

Award: Most Nakaka-bitter Game Award (Dahil wala ka pang nagagawa, may panalo na)




             






          Kung gusto mo ng mind-blowing at comedy combo na game, itong ito na talaga yun. Super agility at presence of mind ang kelangan mo sa game na ‘to dahil sa bilis ng mga pangyayari.  Mabilis ang palitan ng taya at pain. At syempre, machachallenge naman ang presence of mind mo sa kakatawa sa mga players na panic mode ang peg pag sa linya na nila pumipila yung pain. May ilang hindi nila malaman ang gagawin, kung tatakbo na ba sila o hindi hanggang sa may sumigaw nang “Uy, takbo ka na! Ikaw na pain!” May ilan namang hindi pa nga nila ma-absorb ang mga pangyayari, nataya na sila. Kawawa talaga. Haha. Pero eto mas matindi. Siya na nga yung taya, siya pa yung tumatakbo palayo sa pain. Yung totoo?? Pambihira, may identity crisis na nangyayari sa game na ‘to. Enweiz, mas mahirap yung wala pang variation dahil una, mas kaunti ang players so mas malaki ang chance na mataya ka in a shorter period of time. At pangalawa, bago ang game na ‘to sa amin, so medyo di pa namin lubusang na-absorb ang mechanics ng game. Haha. Mas madali naman yung may variation na in the sense na mas madami na yung players so mas maliit na ang chance mo na mataya. Yun nga lang, mas madami ka nang ginagawa sa variation. Kelangan doble effort ka sa focus dahil dalawa na ang pain, so dalawa na ang babantayan mo. Makakatulong dito kung kaya mong paghiwalayin ang galaw ng mga mata mo para sa isang pain nakatingin yung isa, sa isang pain naman nakatingin yung kabila. Wooh! Goodluck nalang sa mata mo. Bukod sa agility at presence of mind, samahan mo na din pala ng panalangin na hindi sa’yo ibigay nang sabay ng dalawang pain ang mga panyo nila.  Mas goodluck sa’yo pag mangyari man yun.  Tapos, may panyo ka pang kelangan saluhin (or pulutin, kung masyadong excited ang pain na maipasa sa’yo ang panyo at nag-ala pass-the-ball lang ang peg niya. Kalokaness lamang).  Sa tingin ko, isa lamang ang tumatakbo sa utak ng mga players sa inner at outer circle sa whole duration ng game at ito yun. “OMGGGG, wag mong ipapasa sa’ken ang panyo,” tapos biglang “Waaaah!”  sabay takbo para maipasa sa iba ang panyong ipinasa sa kanya. Hehe.

Variation:  Dapet ay mag’wink muna ang pain bago niya ipasa ang panyo sa taong papasahan niya nito. Sa bagong pain naman at sa taya, dapat ay tumakbo sila on toes (ballerina lang ang peg).Hehe

MVP: SI Ma'am Joan! Haha. 

Award: Most Nakakasabaw Game Award



   





Ay naku, ito talaga ang game na hindi ko malilimutan, hindi dahil sa ito ang pinaka-rock on, kundi dahil sa ibang dahilan. Enweiz, ieexplain ko muna ang set-up ng game na ito. May dalawang grupo at bawat grupo ay bumuo ng bilog. May isang player sa loob ng bilog, siya ang daga, at may isang player din sa labas, siya naman ang pusa. Ang goal ng pusa ay ma-tag ang daga habang ang bilog naman ay dapat na mapigilan ang pusa na makalapit sa daga. Bilang mga strategists kami, naisipan naming mag-alternate ang lalake at babae para equal ang lakas ng bilog. So pwede, pwede. Kaso may katangkaran ang mga lalakeng nakatabi ko, kaya nung nagkapit-bisig na kami, yung braso nila ay lumevel sa dibdib ko. Sa isip ko naman “Teka, medyo nahaharass ata ako nito.” Parang gusto ko nang sumigaw ng “Kuya, wag po!” Haha. So, ako naman, super nilalayo ko naman ang mga braso nila sa akin at feeling ko ay naramdaman yun nina kuya. Awkward moment talaga. Pero keribells pa rin. Despite all the awkwardness, go  pa rin sa game. Nakakaloka lamang at side pa talaga namin ang naisipang tirahin ni kuyang pusa. Nakalusot si kuya (at ang sakit ng pagkakatama ng ulo niya sa ribs ko). Sayang! Pagkatapos ng game, na’realize ko na hindi ko binigay ang lahat ko sa round na iyon. Feeling ko kasi nabawasan ang girl power ko dahil sa na’conscious ako. Then, inisip ko, it was not a good strategy after all or maybe, I was just in the wrong place, in between the wrong persons. So ganun pala yun. Dapat ay iniisip mo kung surrounded ka ba ng mga taong kumportable ka at kung nasa tamang lugar ka ba dahil kung hindi, posibleng ma-suppress ang potential mo to do good sa isang bagay. Haaaaayyy.   

Variation: Alternate ang bilog. Kasapi ng pusa ang isa habang kasapi naman ng daga ang isa. 

MVP: Si kuyang malaki na medyo mahaba ang hair. Siya yung tumama ang ulo sa ribs ko. Sorry ma’am, di ko alam mga pangalan ng classmates ko.

Award:  Most Nakaka-harass Game Award





             Isa lang ang masasabi ko sa nakaimbento ng game na ‘to. Ang henyo at ang cheesy nila. Siguro ay nasobrahan sila sa panonood ng mga romance na palabas. Okay. Sa game naman na ito, may inner at outer circle pa din pero, parang atom lang na di hamak na mas malaki ang outer circle kesa  sa inner circle. Teleserye ang peg ng game na ‘to dahil ang goal ng inner at outer circles ay pigilan na magkahawak-kamay ang tao sa loob ng inner circle at ang tao sa labas ng outer circle. Sa laki ba naman ng difference ng distance ng inner at outer circle, plus the fact na pipigilan pa namin ang dalawang bida, noong una, inisip ko, Ay, waley ‘to. Sobrang liit ng chance ni kuya na mahawakan ang kamay ni ate. Bwahahahaha. Loko lang, hindi talaga kasama yung tawa. Hindi naman talaga ako kontrabida sa totoong buhay. Defensive?? Hehe. Pero, ang galing lang ng mga bida dahil though hindi sila nagkaka-usap, parang nagkakaintindihan pa rin sila. Ooooppps, pareho ang tintitibok ng puso! Yiheee! Alam nila ang gagawin nila para mahawakan nila ang kamay ng isa’t isa. Ang saya ng game na ‘to dahil parang illustration siya ng real life, specifically sa relationships or sa mga goals mo sa buhay. In life, may mga gusto kang maabot. Pero, hindi ganun kadaling abutin ang mga gusto mo. May obstacles na pipigil at pipigil sa’yo. Minsan, ang mas masakit,  one inch nalang mahahawakan mo na siya, pero hindi mo pa din maabot, siguro dahil sa nakulangan ka sa effort. Pero, it doesn’t end there. Kung determinado ka talagang maabot ang isang bagay o ang isang tao, makakagawa at makakagawa ka ng paraan. Basta, wag ka lang susuko. Dadating ang point na mapapagod din ang obstacles, sana lang ay hindi ka pa huminto pag dumating ang panahong ‘yon. Ansavehh?? Teleserye nga. Haha. Eventually, nahawakan naman ni kuya ang kamay ni ate and with all the sunlight effects pa talaga na tumapat sa kanila. Ang romantic lang talaga ng dating. Haha.

Variation:  Pwedeng lumusot ang lalake sa bilog pero tatlo na ang layers ng bilog.

MVP: Si ate na mahaba ang hair. Siya yung muntik nang maiyak at nagpa’excuse sa batobalani na game dahil sa isang text message na wrong sent lang ata. Haha. Sa kanya tumama yung sunlight habang inaabot an kamay ni kuya. Para talaga siyan damsel in distress. Haha. Sa lalake naman ay si kuya sa pangalawang round. Hindi siya katangkaran (sorry ma’am, di ko talaga matandaan mga pangalan nila T.T ). Super effort kasi talaga siya at kitang-kita sa facial expression niya na gusto niyang mahawakan si girl. Kulang nalang ay makipag-rambol siya.Haha

Award: Most NakakaKilig Game Award


Oh well, tapos na ang first half. Abangan ang second-half! hanggang sa susunod!